KutongLupaKakanakana!
 
Sa trabaho:

Sana hindi pinaglalaruan ang mga karapatan ko.
Sana merong trabaho na marangal at may paggalang sa kapasidad at kakayanan ko bilang tao.

Sa finances:

Sana hindi kulangin, mas ok ang sobra.

Sa pamilya:

Sana walang magkasakit o/at mamatay.

Sa kaibigan:

Sana "kahit magkalayo, magkalapit pa rin ang puso."
Sana malusog lahat. Kahit payat o mataba.

Sa mga kaibigang single:

Wagas na pag-ibig.

Sa mga kaibigang may jowa pero may tendency mag-tarantado:

Pakyu.

Sa mga kaibigang may asawa:

Ang mamuhay na parang nililigawan pa rin ni mister.
Ang itratong parang may nakadikit na sign sa noo - fragile, handle with care.

Sa mga kaibigang may anak:

Mga anak na mabait, malusog at maunawain na kailangang magtrabaho ni nanay at tatay kaya madalas silang wala.
Sa mga kaibigang may sinusuportahang pamilya:

Realisasyon ng mga miyembro ng pamilya na kailangan nilang tulungan ang kanilang sarili dahil ang bawat tao ay may karapatang mamuhay para sa kanilang sarili. Patay na si Mother Teresa.

Sa mga walang trabaho:

Tangina naman. Hindi kailangan ng new year para maisip niyong pagkain-tubig-tirahan = pera. Therefore, work!

Sa mga fashionista:

Leave me alone.

Sa mga mahusay mag-English:

Blah. Wala akong pakialam.

Sa mga Ampatuan:

You're so dead.

Sa pamilyang Pacquiao:

Get lost.

Kay Orlando.

Nagbabasa ka ng blog. That's where you are. Please don't forget.
 
2009 12/28/2009
 
Last shift para sa taong ito. Salamat sa 2009. Ang buhay ko ay nagsimula ulit.

Bagong apelyido. Bagong dependent. Bagong address. Bagong investment. Bagong trabaho.

Lumang pag-ibig. Lumang kaibigan. Lumang libangan. Lahat nakadaupang-palad muli.

Dumami ang stretchmarks. Dumami ang wrinkles. Dumami ang puting buhok. Dumami ang varicose veins. Dumami ang pounds. Dumami ang dead brain cells.

Hanggang sa muling pagdami ng luma at bago.

Hello 2010.
 
 
Nasusuka na ako sa kakapaliwanag kung bakit ako nagpa-rebond. Sa totoo, napapagod lang ako magsinungaling. Ilan sa mga naging sagot ko sa mga nagtanong:
  • Wala, bored lang ako.
  • Bumili ako ng Hair Strengthening Shampoo. Mali pala ako ng basa ng label, Hair Straigtening pala. Ayun, pagkatpaos maligo unat na.
  • Wig lang ito. Naarkila ko.
So para sa mga may pasensya, eto ang tunay na sagot. Bakit ako nagpa-rebond?

Kasi buong Disyembre na akong inaatake ng malupit na sumpa na kilala sa tawag na inferiority complex. Naiinis akong tingnan ang itsura ko sa salamin. Nalulungkot ako. Nagagalit ako. Nakakabaliw ang kapangitan kapag napagtutuunan ng pansin. Tumitining ang ayaw tanggaping observation na kapag hindi ka maganda, marami kang hindi nakukuha sa buhay - lalo na sa pag-ibig.

Habang nire-rebond ako, gusto kong magmura sa sakit. Sa totoo, ang daming naputol na buhok sa akin - may mga almost poknat sa anit ko. Matapang ang gamot, masakit sa anit, masakit sa ilong at baga. At habang halos mabunot ang buhok ko sa kakasuklay, plantsa at kung-anu ano pa, paulit ulit akong nagmumura sa isip ko. It's a very psychotic moment. Ang makipag-away sa kawalan. Hiniling kong sana malason na lang ako ng chemical na nilalagay sa buhok ko para tapos na ang lahat.

Puwede naman iyon diba? Ang maging marupok paminsan-minsan?

Pagkatapos ng halos pitong oras na abortion of my curly tops, umuwi akong lulugo-lugo. Hindi pa rin ako maganda. Ngayon, eto na hinahabol na naman ako ng buhaghag. Gusto ko na magpakalbo.

Bakit ako nagpa-rebond? Kasi hindi ako puwedeng magpakamatay. Bawal.
 
 
What is a company toad?

"A lackey a person who does the master's bidding without conscience or concern for the welfare of others"
kowkak-kowkak-ohmygad-kowkak
 
 
Pasintabi kay Neruda.

"Tonight I can write the saddest lines. Write, for example..."

Sabi sa Labor Code: ART. 34. Prohibited practices. - It shall be unlawful for any individual, entity, licensee, or holder of authority: (d) To induce or attempt to induce a worker already employed to quit his employment in order to offer him to another unless the transfer is designed to liberate the worker from oppressive terms and conditions of employment; 

Sabi sa Amin: You will therefore be transferred from _____  to ______, effective ______. Please be advised that this is a permanent transfer as current ________ positions with _________. will cease to exist by ___________. Pirmahan daw namin, dahil notice lang yun. Hindi legally binding. Kung hindi pipirma sa kontrata ng bagong lipunan, may Option B naman eh. Floating status ka. Bahala na kung saan ka dalhin ng tadhana. Basta two weeks ka lang may sweldo, tapos kakainin na ang leave credits mo, tapos wala ka ng suweldo. Yun ang Option B. Kaya ko bang walang suweldo nang matagal?

Sabi rin sa amin: Yes, you are being retrenched. 

Sabi sa Labor Code:  ART. 283. In case of retrenchment to prevent losses and in cases of closures or cessation of operations of establishment or undertaking not due to serious business losses or financial reverses, the separation pay shall be equivalent to one (1) month pay or at least one-half (1/2) month pay for every year of service, whichever is higher. A fraction of at least six (6) months shall be considered one (1) whole year. 

Pero ang sabi sa amin: Hindi kami kailangang bayaran dahil binibigyan naman kami ng bagong trabaho. Kami ang may ayaw. Huwag raw maging choosy.

"Tonight I can write the saddest lines. Write, for example..."

"Wages are falling
Conditions are worsening
As the capitalist system approaches its doom
We have nothing
Wages are falling
Conditions are worsening
As the capitalist system approaches its doom..."


Kaya ba nating ituloy ang kanta sa

"We have nothing to lose
We have nothing to lose but our chains"

???