Happy Birthday Bebe (ni Jellicle) 01/05/2010
Hiniram ko na walang paalam mula sa blog ni Jellicle. Nakakabata ng puso. Sindya ito ng tadhana, sigurado ako. Para sa mga tanong na hindi ko masagot. dear 'be, birthday mo ngayon. kahit di na uso ang sulatan, pwede pa rin namang mauso kahit love letter sa blog diba? tanda ko pa nung estudyante pa lang tayo, lagi kang nagpapadala ng sulat sa akin. every month pa nga ata. ako naman, bihirang mag-effort pero tuloy ka pa rin. hanggang napagod ka na, kasi sa kwento at chicka lang ako kung sumagot. isang taon na naman ang tinanda mo, tinanda natin. this is your 7th birthday with me and i still treasure each year. alam naman nating pasaway ako, pero lagi ka pa ring nandyan, galit man, nagmamahal pa rin. thanks be! lagi ka lang galit lately. hindi ko alam kung dahil talagang pasaway ako o dahil tumatanda ka na. ganyan talaga pag umi-edad na. magagalitin. basta kumain ka lang ng kumain ng marami. nakakawala ng init ng ulo un. lately rin, napapasin ko gusto mo lagi tayong magkasama. hindi kita masisisi 'be. malayo na nga mga opisina natin, bihira pa tayong magkasama. ayokong mangako 'be pero i'll try my best to make it up to you. marami lang talagang trabaho ngayon sa opisina lalo na't may spin-off kami. pero alam mo naman, hindi kumpleto 8-hour shift ko hangga't hindi ko naririnig ang boses mo. hindi ko alam kung anung ireregalo ngayong taon na 'to sa'yo. alam mo naman ako, bobong mamili ng regalo. tinanong nga ako ni Ging kanina kung anung niregalo ko sa'yo, napahiya ako sa sarili ko nung sinagot kong soft-copy lang Little Black Book ang naiabot ko sa'yo ngayong Pasko. pero hayaan mo 'be, iisip ako ng magandang regalo sa'yo ngayong birthday mo. pero: mahal na mahal pa rin kita 'be. sa magulo nating mga buhay, sa'yo pa rin ako nakakahanap ng katahimikan at kasiguraduhan. sa'yo ko pa rin nakikita kung bakit ako nagsisikap maging kung ano ako ngayon, at sayo pa rin ako nakakakuha ng kasagutan kung ano ako bukas. hanggang ngayon 'be hinihitay ko pa rin lagi ang mag-umaga para matext ka ng 'good morning' at sabihan kang 'papunta na me ofis.' sa bawat sagot mo alam kong magiging maayos na ang araw 'ko. kahit ganun, alam kong malaking malaki pa rin ang pagkukulang ko sa'yo be. hanggang ngayon marami pa rin akong hindi nabibigay na dapat sana'y matagal mo nang hiningi at ngayo'y pinagsawaan nang hingin. pasensya na 'be. hayaan mo't gagawan ko yan ng paraan. pag nainis ka balang araw, ok lang sa akin na isumbat mo sa akin 'tong blog entry na 'to. love you so much bebe ko! bebe mo PS. pasensya na sa thought process 'be a. alam mo naman ako. ADHD. lalo pa't alam kong sulat ang ginagawa ko. see you later! 2 Comments Mga Bulaklak ng Maynila 11/10/2009
Isang pulutong ng mga bakla ang nagkatuwaan pagkatapos maglasing. Bakla 1: Mga bakla, mga bakla, mga bulaklak tayo. Ako si gumamela. Bakla 2: Ako si rosas. Bakla 3: Ako si bugambilya. Maraming mga bulaklak pa ang nabanggit pagkatapos nito. Bakla X: Ako, ako ano ako? Wala na akong maisip. Bakla 1: Rhino ka na lang. Rhinoceros. Bakla X: Sige sige, anong itsura nun? Nung malaman ni Bakla X na hindi bulaklak ang rhinoceros, napikon siya. Isang buwang hindi kinausap ang mga bulaklak ng Maynila. Never Say Goodbye 11/10/2009
Trivia Number 1. At least para sa akin na hindi nakakaalam. Sikat pala noon ang Shakey's para sa mga kombo-kombo. May live band na nagpe-perform para sa mga customer. May Shakey's pala noon sa Taft. Trivia Number 2. More of FYI. Presidential Elections 1992. Nag-miting de avance si Danding Cojuangco sa Luneta. Ilang bus na mga supposed supporters ang hinakot para sa miting de avance. Lahat ay may suhol na isang meal sa Jollibee. Trivia Number 3. Ang mahal naming si Abuelita ay minsang nagtrabaho sa Jollibee. Noong 1992, sa Jollibee Luneta siya naka-destino. Noong araw ng miting de avance ni Danding, 7AM to 9PM nagtrabaho ang team ni Abuelita para sa mga supporters. Pagkatapos ng kanilang mahabang trabaho, nagpunta sila sa Shakey's Taft. Trivia Number 4. May crush si Abuelita na kasama niya sa Jollibee. Itago natin sa pangalang Daniel. Lalaking matuwid (sabi nyia) si Daniel habang si Abuelita ay mula sa makulay na hanay ng mga engkantada - kung hindi mo naintindihan ang ibig sabihin niyan, umuwi ka na. And now for the big event. Sa Shakey's kumakanta na ang kombo. Maingay sa venue. Ang kanta - Never Say Goodbye. Something like this ang eksena. Lasing na si Daniel. As I sit in this smokey room The night about to end I pass my time with strangers But this bottle's my only friend Daniel: Abuelita, tsupain mo nga ako. Abuelita: (Kinikilig) Anuba!?! Tumigil ka nga. Remember when we used to park On Butler Street out in the dark Remember when we lost the keys And you lost more than that in my backseat Daniel: Sige na tsupain mo ako. Abuelita: Aynaku magtigil ka. Remember when we used to talk About busting out - we'd break their hearts Togheter - forever Daniel: Ano! Tsupain mo nga ako! Maingay na maingay na sa puntong ito. Hindi na gaanong marinig ni Abuelita ang sinasabi ni Daniel. Abuelita: Ano? Anong sabi mo? Never say goodbye, never say goodbye You and me and my old friends Hoping it would never end Sumigaw si Daniel. Nahugot ang sapot-sapot na kuneksyon ng speakers, amplifier, lahat... Umalingawngaw ang sigaw ni Daniel. Daniel: TSUPAIN MO AKO!!! Napayuko sa hiya si Abuelita. Marunong mag-manage ng moments of spontaneity ang kombo. Noong bumalik ang kuneksyon ng mikropono, ang sabi ng singer... O may request tayo rito, tsupa tsupa tsupa! Bayaning Seaworld 10/30/2009
Kuwento ng isang kasama sa trabaho mula sa isang isla sa Cebu. Maraming kuwento ang matatanda tungkol sa mga pawikan. Nagliligtas daw sila ng mga nalulunod. Umiiyak daw sila kapag nahuhuli. Noong bata pa si officemate, nagpupunta ang pamilya nila sa isang isla sa Cebu. May beachfront resthouse ang pamilyang ito. Sosyal. Isang umaga, nagising sila dahil sa kaguluhan sa tapat ng kanilang bahay. Isang higanteng pawikan ang dumating - niligtas ang isang residente sa kanilang lugar. Ilang araw nang nawawala ang kuya, at sa di malamang dahilan nahanap ng pawikan ang isla kung saan siya nakatira. Malaki na si pawikan, parang dalawang mesang pang-apat na tao ang kanyang shell. Bilang ganti sa kabutihan ng pawikan, itinali siya ng magkaka-baranggay sa isang puno. Itinali ang mga "paa" at "kamay." Napagkasunduan kasing magiging handa sa piyesta ang malinamnam na karne niya. Ang mga taong-bayan, tinutudyo nang tinutudyo ang kawawang pawikan. Papatayin ka na bukas! Kakainin ka sa piyesta! Mamamatay ka na! Umiyak nang umiyak ang pawikan. Sabi ng mga nakakita, malalaki ang patak ng luha. Panay ang lunok. Hindi tumitigil habang may nanunudyo. Sabi ng mga may alam, umiiyak ang pawikan kapag wala sa tubig dahil may gland sa kanilang mata na naglalabas ng tubig alat. Hindi raw dahil sa lungkot. Mas naniniwala akong sa pagkakataong ito, hindi basta-bastang anatomical response ang pagpatak ng luha ng pawikan. Paano natuto ng ganitong kalupitan ang mga tao? |