Bayaning Seaworld 10/30/2009
Kuwento ng isang kasama sa trabaho mula sa isang isla sa Cebu. Maraming kuwento ang matatanda tungkol sa mga pawikan. Nagliligtas daw sila ng mga nalulunod. Umiiyak daw sila kapag nahuhuli. Noong bata pa si officemate, nagpupunta ang pamilya nila sa isang isla sa Cebu. May beachfront resthouse ang pamilyang ito. Sosyal. Isang umaga, nagising sila dahil sa kaguluhan sa tapat ng kanilang bahay. Isang higanteng pawikan ang dumating - niligtas ang isang residente sa kanilang lugar. Ilang araw nang nawawala ang kuya, at sa di malamang dahilan nahanap ng pawikan ang isla kung saan siya nakatira. Malaki na si pawikan, parang dalawang mesang pang-apat na tao ang kanyang shell. Bilang ganti sa kabutihan ng pawikan, itinali siya ng magkaka-baranggay sa isang puno. Itinali ang mga "paa" at "kamay." Napagkasunduan kasing magiging handa sa piyesta ang malinamnam na karne niya. Ang mga taong-bayan, tinutudyo nang tinutudyo ang kawawang pawikan. Papatayin ka na bukas! Kakainin ka sa piyesta! Mamamatay ka na! Umiyak nang umiyak ang pawikan. Sabi ng mga nakakita, malalaki ang patak ng luha. Panay ang lunok. Hindi tumitigil habang may nanunudyo. Sabi ng mga may alam, umiiyak ang pawikan kapag wala sa tubig dahil may gland sa kanilang mata na naglalabas ng tubig alat. Hindi raw dahil sa lungkot. Mas naniniwala akong sa pagkakataong ito, hindi basta-bastang anatomical response ang pagpatak ng luha ng pawikan. Paano natuto ng ganitong kalupitan ang mga tao? Commentsjellicle 12/23/2009 13:10:00 i like this!!! kianapatrice 12/01/2011 02:56:52 wawa namabn siya Leave a Reply |