KutongLupaKakanakana!
 
Hiniram ko na walang paalam mula sa blog ni Jellicle. Nakakabata ng puso.

Sindya ito ng tadhana, sigurado ako. Para sa mga tanong na hindi ko masagot.

dear 'be, 

birthday mo ngayon. kahit di na uso ang sulatan, pwede pa rin namang mauso kahit love letter sa blog diba?

tanda ko pa nung estudyante pa lang tayo, lagi kang nagpapadala ng sulat sa akin. every month pa nga ata. ako naman, bihirang mag-effort pero tuloy ka pa rin. hanggang napagod ka na, kasi sa kwento at chicka lang ako kung sumagot.

isang taon na naman ang tinanda mo, tinanda natin. this is your 7th birthday with me and i still treasure each year. alam naman nating pasaway ako, pero lagi ka pa ring nandyan, galit man, nagmamahal pa rin.

thanks be!

lagi ka lang galit lately. hindi ko alam kung dahil talagang pasaway ako o dahil tumatanda ka na. ganyan talaga pag umi-edad na. magagalitin. basta kumain ka lang ng kumain ng marami. nakakawala ng init ng ulo un.

lately rin, napapasin ko gusto mo lagi tayong magkasama. hindi kita masisisi 'be. malayo na nga mga opisina natin, bihira pa tayong magkasama. ayokong mangako 'be pero i'll try my best to make it up to you. marami lang talagang trabaho ngayon sa opisina lalo na't may spin-off kami. pero alam mo naman, hindi kumpleto 8-hour shift ko hangga't hindi ko naririnig ang boses mo.

hindi ko alam kung anung ireregalo ngayong taon na 'to sa'yo. alam mo naman ako, bobong mamili ng regalo. tinanong nga ako ni Ging kanina kung anung niregalo ko sa'yo, napahiya ako sa sarili ko nung sinagot kong soft-copy lang Little Black Book ang naiabot ko sa'yo ngayong Pasko. pero hayaan mo 'be, iisip ako ng magandang regalo sa'yo ngayong birthday mo.

pero:

mahal na mahal pa rin kita 'be. sa magulo nating mga buhay, sa'yo pa rin ako nakakahanap ng katahimikan at kasiguraduhan. sa'yo ko pa rin nakikita kung bakit ako nagsisikap maging kung ano ako ngayon, at sayo pa rin ako nakakakuha ng kasagutan kung ano ako bukas.

hanggang ngayon 'be hinihitay ko pa rin lagi ang mag-umaga para matext ka ng 'good morning' at sabihan kang 'papunta na me ofis.' sa bawat sagot mo alam kong magiging maayos na ang araw 'ko.

kahit ganun, alam kong malaking malaki pa rin ang pagkukulang ko sa'yo be. hanggang ngayon marami pa rin akong hindi nabibigay na dapat sana'y matagal mo nang hiningi at ngayo'y pinagsawaan nang hingin. pasensya na 'be. hayaan mo't gagawan ko yan ng paraan.

pag nainis ka balang araw, ok lang sa akin na isumbat mo sa akin 'tong blog entry na 'to.  love you so much bebe ko!

bebe mo

PS. pasensya na sa thought process 'be a. alam mo naman ako. ADHD. lalo pa't alam kong sulat ang ginagawa ko. see you later!

 


Comments

01/15/2010 09:09:07

Ang taray naman! kahit walang pahintulot natuwa naman ako't nakakuha ka rin ng sagot sa mga tanong mo kahit papano. :)

 

09/11/2010 00:28:12

No pains, No gains. Believe yourself. You'll be successful. Please remember never too old to learn!

 



Leave a Reply

    Mga Hiram na Kuwento

    Ssabi ng isang favorite teacher ko, "lahat ng tao may kuwento, hindi niyo lang tinatanong kaya hindi niyo alam." Masarap makinig sa mga kuwento. Napapansin ko nga, habang tumatanda ako, mas gusto ko na makinig ng kuwento ng mga totoong tao kaysa magbasa ng libro o manood ng kung anuano.

    Archives

    January 2010
    November 2009
    October 2009

    Categories

    All

    RSS Feed