Love Letter For Someone 12/28/2009
Ikaw ang naging kaganapan ng lahat ng pinangarap kong maranasan. Naaalala mo pa ba? Pinagtagpo tayo ng panahon sa kanto ng bagong simula. Pareho nating hinahanap ang kapayapaan. Pareho nating gustong magpahinga. Mapusok. Sa isang kisapmata, bitbit natin ang mga maleta papuntang Hormiga. Linis ng bahay, linis ng buhay. Bakit nga inaabot ng daanglibo at daang-buwan ang paghahanda sa pagpapakasal samantalang isang kembot lang, naisip na nating magsama? Ilang gabi nating pinagsaluhan ang mga tanong - o likas lang bang makati ang mga matalim nating dila? Magdamagang huntahan. Paulit-ulit tayong nagpapakilala sa isa't isa. Paulit-ulit ang pagkilala. Ikaw ba, naniniwalang dapat may kapalit ang pagmamahal? Hanggang saan o kailan dapat magtiis? Bakit hindi na sumusulat ang mga tao? Bakit ang baboy ni ___ magtrabaho? Mahilig ako sa kamatis at bawang. Bakit ayaw mong magbukas ng pinto kapag may bisita? Kapag isang dekada na tayong magkasama, magdamag pa rin ba tayong magkukuwentuhan? Magkatuwang tayo sa lahat. Sa pagda-drama. Sa pagkanta. Sa pagsayaw. Sa paglangoy. Sa pagkain. Sa pagtuklas. Patay na ang ilaw, hindi pa rin tayo tumitigil sa pagkukuwentuhan. Gusto kong malaman mo, maganda akong lagi kapag nasa piling mo. Hindi mo man gusto ang imagery, sa piling mo, hubad ako. Hindi ko kailangang magpaliwanag, hindi ko kailangang magpapansin. Hindi ko kailangang magtampo. Habambuhay akong magpapasalamat. Naaalala mo pa ba ang madalas mong tanong? Ano kayang itsura ng langit? Nakita ko na ang kapiraso nito. Sa bahay natin. Sa buhay natin. Magpapalit na naman ang mukha ng taon. Utang na loob, huwag kang mawawala. Maligayang bagong taon. Sana, ibalik sa iyo ng tadhana ang ligaya, pagkalinga, pag-asa at kapayapaan na binigay mo sa akin at sa lahat ng iyong mga anak. At sana kapag ibinalik sa iyo, hindi naman puro galing sa friends (I know... nakakasawa na) kundi sa isang karelasyong paulit-ulit kang kikilalanin at hihimas sa likod mo kapag umiiyak ka na parang wala nang bukas sa "I Sing the Body Electric" scene ng Fame (yung orig). Love, Palakang Melodramatic Christmas Wish 12/21/2009
Hunyo pa lang, alam ko na ang Christmas Wish ko. Gusto ko ng gift of romance. Isang gesture, isang hand-made something na magpapasirko ng puso ko. I was once, and forever will be, a hopeless romantic. May balde-baldeng compromise pero hindi namamatay ang totoong ako. Sabado ng gabi, iniinterview si Mega Star para sa Mano Po. Napunta ang usapan sa kung ano ang wish niya mula kay Senator Kiko. Noong sumagot siya, naluha ako. Pareho kami ng gusto. Sana raw mahanapan ni Senator ng energy at panahon na magkaron ulit ng romance sa relasyon nila. Hindi yung uuwi na lang para kumain at matulog. Nagpatawa pa ang mega sabi sa kamera "yun ang gusto kong gawin mo!" Hindi siguro lahat masasakyan kung gano kasakit ang ganong mga statement. Lalo na ang i-articulate mo ang bagay na kinikimkim mo, hoping na makukuha mo rin siya in one way or another. Ikinuwento ko sa asawa ko ang napanood kong interview. Sabi niya, kung ikaw ba naman ang asawa ni Sharon, gaganahan ka raw ba. Nakatulugan ko ang pag-iyak. Trophy Wife - Off The List 12/21/2009
Pangarap kong maging trophy wife. Nagsimula ito sa pangarap na maging trophy girlfriend. Yung laging ipinaparada, kinakaray kung saan-saan, pinakikilala kung kani-kanino na parang karugtong ng tadyang ng karelasyon. Mailap ang pangarap na ito para sa akin. Pano naman, hindi ako ka-tangkaran, hindi rin kapayatan, hindi rin kaputian, pang-baluga ang buhok... in conclusion, hindi kagandahan. Naaalala ko pa, may mga pagkakataon noong bata ako na pinagagalitan ako ng nanay ko dahil pandak ako. Napakasagwa raw tingnan. Noon, iniiyak ko lang yun. Sana kung nauna ang nakilala ko si Gregor Mendel, natanong ko siya kung saang kamay ng diyos ako kukuha ng tangkad kung hindi rin kalakihan ang nanay at tatay ko. Kanina, inaya ako ng asawa kong sunduin siya sa opisina sa Miyerkules. Papasok daw kami hanggang sa loob ng kanyang cubicle. Halos pitong taon na siya sa opisinang iyon pero kahit minsan, hindi ko pa nasisilip ang loob. Dun lang lagi ako sa waiting area, hanggang dun lang daw kasi ang bisita. Tinanong ko kung bakit, ang walang kurap na sagot, "para makita nila si (insert palayaw ng anak namin)..." dinugtungan ng "at saka ikaw na rin." Ang lahat ng mga salita pagakatapos nitong sentence na ito ay hindi na nagmarka. Napatingin ako sa maganda kong anak. Natupad ang mga dasal ni mommy. Kung magtutuloy-tuloy, maputi siya, matangkad, tuwid ang buhok... very charming. Siya ang magiging trophy partner. Gustuhin man niya o hindi, at least hindi na niya kailangang mangarap. Ang problema sa katotohanan, madalas nakamamatay. The Luckiest 12/01/2009
Thanks to Memorysdream for sharing this song with me. Finally... a time capsule of some sort for the story that WE are still writing. By Ben Folds I don't get many things right the first time In fact, I am told that a lot Now I know all the wrong turns, the stumbles and falls Brought me here And where was I before the day That I first saw your lovely face? Now I see it everyday And I know That I am I am I am The luckiest What if I'd been born fifty years before you In a house on a street where you lived? Maybe I'd be outside as you passed on your bike Would I know? And in a white sea of eyes I see one pair that I recognize And I know That I am I am I am The luckiest I love you more than I have ever found a way to say to you Next door there's an old man who lived to his nineties And one day passed away in his sleep And his wife; she stayed for a couple of days And passed away I'm sorry, I know that's a strange way to tell you that I know we belong That I know That I am I am I am The luckiest |