Lurker's Farewell 11/04/2009
Read and fall in love. A husband pays tribute to his wife. Pinagmalaki ko sa mga kasama sa trabaho. Sabi ko, ito yung blog na pinupuntahan ko kasi kinikilig ako kapag nagaalay ng words yung blogger sa asawa niya. Tanong ni Karen.. Buhay pa ba ang asawa niya? Hahahahhahahaha! Nalaglag ako sa upuan ko. Talagang ganun kabihira ang gumagawa ng mga ganitong bagay ano? Naalala ko rin tuloy ang angas ni Kaibigang Ziggy several years ago... "Etong asawa ko, bibigyan lang yata ako ng bulaklak sa lamay ko." In fairness, nagbigay naman ng bulaklak si Sir kay Ziggy matapos ang isang major tampuhan nila. Agaw-buhay level ang relasyon. Happy ending. Kaso, hindi na natuwa si Ziggy sa flowers. Maghintay ka ba ng sampung taon? Pero keber pa rin. Mas happy na sila ngayon. Sabi ng shrink ko, dapat tigilan ko na ang pagbisita sa site ni Goldenbhoy. Hindi raw lung cancer ang ikakamatay ko kundi ang pagiging lurker. Etchos. Hindi bagay sa akin ang may shrink. Pero yun talaga ang payo ng aking stronger self. Kaya ngayon, nangangako ako na hindi na dadalaw sa mga mundong hindi ko maaaring puntahan. Pipirmi na ako sa ngayon. Mas maganda pa rin ito sa kahapon. A lady-in-waiting must arrest her desires and learn to look away from the divinities of her queen's existence. Hers is the paradise of compromise. CommentsLeave a Reply |