KutongLupaKakanakana!
Christmas Wish 12/21/2009
 
Hunyo pa lang, alam ko na ang Christmas Wish ko. Gusto ko ng gift of romance. Isang gesture, isang hand-made something na magpapasirko ng puso ko. I was once, and forever will be, a hopeless romantic. May balde-baldeng compromise pero hindi namamatay ang totoong ako.

Sabado ng gabi, iniinterview si Mega Star para sa Mano Po. Napunta ang usapan sa kung ano ang wish niya mula kay Senator Kiko. Noong sumagot siya, naluha ako. Pareho kami ng gusto. Sana raw mahanapan ni Senator ng energy at panahon na magkaron ulit ng romance sa relasyon nila. Hindi yung uuwi na lang para kumain at matulog. Nagpatawa pa ang mega sabi sa kamera "yun ang gusto kong gawin mo!"

Hindi siguro lahat masasakyan kung gano kasakit ang ganong mga statement. Lalo na ang i-articulate mo ang bagay na kinikimkim mo, hoping na makukuha mo rin siya in one way or another. 


Ikinuwento ko sa asawa ko ang napanood kong interview. Sabi niya, kung ikaw ba naman ang asawa ni Sharon, gaganahan ka raw ba.

Nakatulugan ko ang pag-iyak. 
 


Comments




Leave a Reply

    Blah

    Blah is a word. It means nothing. Wow. Hindi ko pa alam ang ilalagay ko rito. Siguro, kapag none-of-the-above sa tabs ang laman ng post, dito ilalagay. At ano naman kaya yun? Bahala na. Blah.

    Archives

    December 2009
    November 2009

    Categories

    All

    RSS Feed