KutongLupaKakanakana!
 
Ikaw ang naging kaganapan ng lahat ng pinangarap kong maranasan.

Naaalala mo pa ba? Pinagtagpo tayo ng panahon sa kanto ng bagong simula. Pareho nating hinahanap ang kapayapaan. Pareho nating gustong magpahinga.

Mapusok.

Sa isang kisapmata, bitbit natin ang mga maleta papuntang Hormiga. Linis ng bahay, linis ng buhay. Bakit nga inaabot ng daanglibo at daang-buwan ang paghahanda sa pagpapakasal samantalang isang kembot lang, naisip na nating magsama?

Ilang gabi nating pinagsaluhan ang mga tanong - o likas lang bang makati ang mga matalim nating dila? Magdamagang huntahan. Paulit-ulit tayong nagpapakilala sa isa't isa. Paulit-ulit ang pagkilala.

Ikaw ba, naniniwalang dapat may kapalit ang pagmamahal? Hanggang saan o kailan dapat magtiis? Bakit hindi na sumusulat ang mga tao? Bakit ang baboy ni ___ magtrabaho? Mahilig ako sa kamatis at bawang. Bakit ayaw mong magbukas ng pinto kapag may bisita? Kapag isang dekada na tayong magkasama, magdamag pa rin ba tayong magkukuwentuhan?

Magkatuwang tayo sa lahat. Sa pagda-drama. Sa pagkanta. Sa pagsayaw. Sa paglangoy. Sa pagkain. Sa pagtuklas. Patay na ang ilaw, hindi pa rin tayo tumitigil sa pagkukuwentuhan.

Gusto kong malaman mo, maganda akong lagi kapag nasa piling mo. Hindi mo man gusto ang imagery, sa piling mo, hubad ako. Hindi ko kailangang magpaliwanag, hindi ko kailangang magpapansin. Hindi ko kailangang magtampo. Habambuhay akong magpapasalamat.

Naaalala mo pa ba ang madalas mong tanong? Ano kayang itsura ng langit? Nakita ko na ang kapiraso nito. Sa bahay natin. Sa buhay natin.

Magpapalit na naman ang mukha ng taon. Utang na loob, huwag kang mawawala.

Maligayang bagong taon. Sana, ibalik sa iyo ng tadhana ang ligaya, pagkalinga, pag-asa at kapayapaan na binigay mo sa akin at sa lahat ng iyong mga anak. At sana kapag ibinalik sa iyo, hindi naman puro galing sa friends (I know... nakakasawa na) kundi sa isang karelasyong paulit-ulit kang kikilalanin at hihimas sa likod mo kapag umiiyak ka na parang wala nang bukas sa "I Sing the Body Electric" scene ng Fame (yung orig).

Love,
Palakang Melodramatic
 


Comments

Thu, 31 Dec 2009 07:22:14

naiyak naman ako dito!

 

Thu, 23 Sep 2010 18:08:26

There is someone that is coming or passing away in your life around the clock, so you may lose sight of those seen, and forget those remembered. There is gain and loss in your life, so you may catch sight of those unseen, and remember those forgotten. Nevertheless, doesn't the unseen exist for sure? Will the remembered remain for ever?

 

Tue, 21 Dec 2010 19:28:00

Fantastic blog! Very well written.*

 



Leave a Reply

    Blah

    Blah is a word. It means nothing. Wow. Hindi ko pa alam ang ilalagay ko rito. Siguro, kapag none-of-the-above sa tabs ang laman ng post, dito ilalagay. At ano naman kaya yun? Bahala na. Blah.

    Archives

    December 2009
    November 2009

    Categories

    All

    RSS Feed