KutongLupaKakanakana!
 
Pangarap kong maging trophy wife. Nagsimula ito sa pangarap na maging trophy girlfriend. Yung laging ipinaparada, kinakaray kung saan-saan, pinakikilala kung kani-kanino na parang karugtong ng tadyang ng karelasyon. Mailap ang pangarap na ito para sa akin. Pano naman, hindi ako ka-tangkaran, hindi rin kapayatan, hindi rin kaputian, pang-baluga ang buhok... in conclusion, hindi kagandahan. Naaalala ko pa, may mga pagkakataon noong bata ako na pinagagalitan ako ng nanay ko dahil pandak ako. Napakasagwa raw tingnan. Noon, iniiyak ko lang yun. Sana kung nauna ang nakilala ko si Gregor Mendel, natanong ko siya kung saang kamay ng diyos ako kukuha ng tangkad kung hindi rin kalakihan ang nanay at tatay ko.

Kanina, inaya ako ng asawa kong sunduin siya sa opisina sa Miyerkules. Papasok daw kami hanggang sa loob ng kanyang cubicle. Halos pitong taon na siya sa opisinang iyon pero kahit minsan, hindi ko pa nasisilip ang loob. Dun lang lagi ako sa waiting area, hanggang dun lang daw kasi ang bisita. Tinanong ko kung bakit, ang walang kurap na sagot, "para makita nila si (insert palayaw ng anak namin)..." dinugtungan ng "at saka ikaw na rin."

Ang lahat ng mga salita pagakatapos nitong sentence na ito ay hindi na nagmarka. Napatingin ako sa maganda kong anak. Natupad ang mga dasal ni mommy. Kung magtutuloy-tuloy, maputi siya, matangkad, tuwid ang buhok... very charming. Siya ang magiging trophy partner. Gustuhin man niya o hindi, at least hindi na niya kailangang mangarap. 

Ang problema sa katotohanan, madalas nakamamatay.
 


Comments

jellicle

Wed, 23 Dec 2009 20:24:05

sabi nga ng billboard sa isang food stall sa GB3: "Our children are OUR places that we will never see."

 



Leave a Reply

    Blah

    Blah is a word. It means nothing. Wow. Hindi ko pa alam ang ilalagay ko rito. Siguro, kapag none-of-the-above sa tabs ang laman ng post, dito ilalagay. At ano naman kaya yun? Bahala na. Blah.

    Archives

    December 2009
    November 2009

    Categories

    All

    RSS Feed